Sa kanyang talumpati kahapon sa Conakry, Guinea, nanawagan si Margaret Chan, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), sa komunidad ng daigdig at mga pamahalaan ng iba't ibang bansa na buong lakas na katigan ang paglaban sa epidemiya ng Ebola sa Western Africa.
Nang araw ring iyon, nagpulong si Chan, kasama ng mga lider ng Guinea, Liberia, Sierra Leone, at Cote d'ivoire, apat na bansa sa Western Africa na apektado ng epidemiya ng Ebola.
Ipinatalastas ni Chan sa pulong ang paglalaan ng isang milyong Dolyares para mapag-ibayo ang paglaban sa epidemiya ng Ebola. Sinabi ni Chan na kung titingnan ang bilang ng mga kumpirmadong kaso, bilang ng mga namatay, at saklaw ng apektadong lugar, ang kasalukuyang epidemiya ng Ebola sa Western Africa ay pinakagrabe sa kasaysayan. Dapat aniyang buong lakas na pigilin ang paglala ng epidemiyang ito.