|
||||||||
|
||
Naganap kaninang umaga ang pagsabog sa isang metal products factory sa Kunshan, lunsod sa silangang Tsina. Ikinamatay ito ng di-kukulangin sa 65 katao, at ikinasugat ng mahigit 150 iba pa.
Sa kasalukuyan, binibigyang-lunas sa ospital ang mga nasugatan, at sinimulan na ang imbestigasyon sa pangyayaring ito. Ayon pa rin sa lokal na opisyal, ito ay hinihinalang isang aksidenteng may kinalaman sa work safety.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |