|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag ngayong madaling araw ng hukbong Israeli, nakatakdang magkaroon ng 7 oras na tigil-putukan mula alas-7 ngayong umaga hanggang alas-2 ngayong hapon (local time) sa nakakaraming lugar ng Gaza Strip, para mapaginhawa ang tulong na humanitaryan.
Ayon pa rin sa pahayag, maliban sa Rafah sa dakong timog ng Gaza, magsasagawa ng 7 oras na tigil-putukan ang Hukbong Israeli sa ibang pook ng Gaza. Ipinagdiinan din ng pahayag na kung sisirain ng panig Palestino ang tigil-putukang ito, gagawa ng ganting-salakay ang Israel.
Ipinahayag naman ng Hamas ang pagdududa sa nasabing kapasiyahan ng Israel. Tinukoy ni Abu Zuhri, Tagapagsalita ng Hamas, na ang layunin ng pagpapatalastas ng Israel ng unilateral na tigil-putukan ay para maalis ang pansin ng mga tao sa pagpatay ng Israel sa mga residente ng Gaza. Nanawagan siya sa mga taga-Gaza na manatiling alerto sa kalagayan.
Ayon sa datos na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Kalusugan ng Palestina, 1,766 na ang namatay at 9,500 ang nasugatan sa Gaza, sapul nang ilunsad ng Israel ang pananalakay noong ika-8 ng Hulyo.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |