|
||||||||
|
||
Dumating kahapon ng Katmandu, kabisera ng Nepal, si Punong Ministro Narendra Modi ng India, para simulan ang kanyang dalawang-araw na pagdalaw sa Nepal. Ito ang muling pagdalaw ng punong minisro ng India sa Nepal pagkatapos ng 17 taon.
Ang Nepal ay naging ika-2 bansang dinalaw ni Modi sapul nang manungkulan siya bilang punong ministro ng bansa. Unti-unting lumilinaw ang patakaran ng bagong pamahalaan ni Modi sa pagsasagawa ng diplomasya sa mga kapitbansa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |