SINABI ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines na kwentong-bayan lamang ang State of the Nation Address ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa mga sinasabing nagawa nito upang maibsan ang mga problema ng mga komunidad dulot ng bagyong "Yolanda" noong 2013.
Sinabi ni Fr. Marlon Lacal na walang katuturan ang mga sinabi ni Pangulong Aquino. Nanatili ang kanilang mga samahan sa Tacloban bago pa man nakarating ang mga tauhan ng pamahalaan.
Tumagal umano ng apat na raw bago dumalaw si Interior and Local Government Secretary Manuel Araneta Roxas II si Tacloban. Sa nakalipas na anim na buwan, nagpabalik-balik umano ang AMRSP sa Tacloban at hindi naibalik ang kuryente tulad ng ipinangako ni Energy Secretary Jericho Petilla.