Ayon sa ulat kahapon ng health authority ng Tsina, sa 192 nasugatan sa aksidente ng pagsabog na naganap noong ika-2 ng buwang ito sa isang metal products factory sa Kunshan, lunsod sa silangang Tsina, walo ang namatay nang araw ring iyon dahil sa grabeng sugat na hindi na nalunasan.
Ang ibang 184 na nasugatan ang binibigyang-lunas ngayon sa mga ospital, pero grabe ang kalagayan ng 166 sa kanila.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 70 ang bilang ng mga nasawi kaugnay ng grabeng aksidenteng may kinalaman sa work safety.
Salin: Liu Kai