|
||||||||
|
||
Kaugnay ng sadyang pagpapalaganap ng bagong Defense White Paper ng Hapon ng umano'y "pagiging banta ng Tsina" at ahasang paglikha ng maigting na kalagayan, nagpahayag ngayong araw si Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ng matinding kawalang-kasiyahan at matatag na pagtutol dito.
Tinukoy ni Hua na di-masisisi ang pagsasagawa ng Tsina ng normal na aktibidad na pandagat at panghimpapawid batay sa pandaigdig na batas at mga kinauukulang batas at tadhana ng Tsina. Ang pagtatayo ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa East China Sea ay legal na karapatan at interes ng Tsina, bagay na umangkop sa pandaigdig na batas at norma.
Tungkol sa mga alitan at kontradiksyon ng Tsina at Hapon sa mga isyung may kinalaman sa dagat, palagiang naninindigan ang Tsina sa pagsasagawa ng diyalogo batay sa pantay-pantay at may paggagalangang pakikitungo. May masamang motibo ang ganitong kilos ng panig Hapones, at ang nukleong tangka nito ay paglikha ng katwiran para sa pagpapalawak ng puwersang militar nito, sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng bantang pangkatiwasayan ng mga kapitbansa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |