Sa Nay Pyi Taw, kabisera ng Myanmar—binuksan dito ngayong araw ang ika-47 pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN. Sa seremonya ng pagbubukas, binigyang-diin ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar, kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN, na ang pangunahing target ng ASEAN ay pagtatatag ng ASEAN Community sa taong 2015.
Sinabi ni Thein Sein na natapos na ng ASEAN ang 80% ng plano sa pagtatatag ng ASEAN Community. Aniya, may pananalig ang ASEAN na matatapos ang natitirang 20% sa darating na 17 buwan. Nanawagan siyang pabilisin ang pagpapasulong sa konstruksyon ng ASEAN Community, para makapaghatid ng kasaganaan sa mga mamamayan ng ASEAN, at maigarantiya ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Vera