|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ikinalulungkot ng Tsina ang kapasiyahan ng appeal body hinggil sa umano'y hindi angkop sa WTO rules na hakbangin ng Tsina sa pagluluwas ng mga produko at hindi angkop na pangako ng Tsina sa paglahok sa WTO.
Kahapon, Geneva time, isinapubliko ng WTO ang isang report ng appeal body hinggil sa pag-apela ng Amerika, EU at Hapon sa Tsina hinggil sa hakbangin nito sa pangangasiwa sa pagluluwas ng mga produkto ng tombarthite, tungsten at molybdenum.
Sinabi ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na mataimtim na tatasahin ng Tsina ang kapasiyahan ng WTO, lalo pang pabubutihin ang pangangasiwa sa mga produkto ng yaman, pasusulungin ang proteksyon ng yaman at pangangalagaan ang makatuwirang kompetisyon, para isakatuparan ang sustenableng pag-unlad.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |