Sa kanyang pananatili sa Nay Pyi Taw, Myanmar, nakipagtagpo kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa kanyang mga counterpart mula sa Amerika, Thailand, Brunei, Indya, Australya, at ibang bansa.
Tinalakay nila ang hinggil sa bilateral na relasyon, relasyong Sino-ASEAN, mga isyu sa rehiyong Asya-Pasipiko, at iba pa.
Nang araw ring iyon, nagkaroon din ng informal contact sina Wang Yi at Ministrong Panlabas Fumio Kishida ng Hapon. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa pagpapabuti ng relasyong Sino-Hapones.