Idinaos kahapon ang selebrasyon ng pagpapalabas ng logo ng ika-4 na Pagsasanay hinggil sa Disaster Relief Work ng ASEAN Regional Forum (ARF), at sinimulan din ang mga gawain ng paghahanda para sa pagsasanay. Magkasamang pinanguluhan nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia at Wunna Maung Lwin, Ministrong Panlabas ng Myanmar, ang nasabing aktibidad.
Ito ay idinaos sa panahon ng ika-21 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ARF sa Nay Pyi Taw.
Ang pagsasanay sa disaster relief work ng ARF ay isa sa mga pinakamalaking pagsasanay ng relief work ng Timog-silangang Asya. Idinaraos ito bawat 2 taon, at ito ay nasa magkasanib na pagtangkilik ng Tsina at Malaysia. Idaraos ang susunod na pagsasanay sa Pebrero ng susunod na taon sa dakong hilaga ng Malaysia. Ito ay magpopokus sa paglaban sa bagyo.
salin:wle