Ayon sa ulat ng Ministring Panlabas ng Tsina kahapon, lalahok si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 Youth Olympic Games (YOG) na idaraos mula ika-16 hanggang ika-28 ng buwang ito sa Nanjing.
Ipinatalastas ni Qin Gang, Tagapagsalita ng nasabing ministri, na sa paanyaya ni Pangulong Xi, lalahok naman sa seremonya sina Pangulong Piere Nkurunziza ng Burundi, Pangulong Epeli Nailatikau ng Fiji, Pangulong Abdullah Yameen ng Maldives, Pangulong Filip Vujanović ng Montenegro, Pangulong Tony Tan Keng Yam ng Singapore, Punong Ministro Joe Natuman ng Vanuatu, at Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN.
Salin: Andrea