Inaprobahan kahapon ng Parliamento ng Ukraine ang kasunduan ng mga pamahalaan ng bansang ito at Malaysia, hinggil sa pagpapahintulot sa pagpapadala ng Malaysia ng mga eksperto sa Ukraine para siyasatin ang pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines.
Batay sa naturang kasunduan, hindi lalampas sa 90 ang kabuuang bilang ng mga tauhang ipapadala ng Malaysia. Bukod sa mga eksperto, puwede ring magpadala ang Malaysia ng mga pulis, para isagawa ang gawaing panseguridad sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Salin: Liu Kai