Isiniwalat ni Muhyiddin Yassin, Pangalawang Punong Ministro ng Malaysia na kamakailan, pinag-aaralan ng pamahalaan ng Malaysia ang pagbabawas sa bayad ng single entry visa ng mga turista mula sa Tsina, India at ibang bansa, para pasulungin ang industriya ng turismo ng Malaysia.
Ipinahayag ni Muhyiddin Yassin na ang mga insidente ng MH17、MH370 ng Malaysia Airlines at insidente ng pangingidnap sa Sabah ay nagkaroon ng epekto sa industriya ng turismo sa Malaysia. Para umakit ng mas maraming turista, hiniling ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Malaysia na pag-aralan ng Immigration Office ang pagbababa sa halaga ng single entry visa ng mga turista mula sa Tsina, India, Pakistan, Bangladesh at Sri Lanka. Kung aaprobahan ang naturang hakbangin, isasagawa ito sa katapusan ng taong ito.
Salin:Sarah