Nakipagtagpo kahapon sa Jakarta si Joko Widodo, bagong halal na Pangulo ng Indonesia, at ang gobyernador ng Lalawigang Jakarta kay Fumio Kishida, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Hapon. Tinalakay ng kapuwa panig ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Indonesia at Hapon.
Sinipi ng local media ang pananalita ni Joko pagkatapos ng pagtatagpo, sa isang oras na pagtatagpo, tinalakay ng kapuwa panig ang mga paksa sa tatlong aspekto na kinabibilangan ng pagpapalakas ng kooperasyong pandagat ng dalawang bansa, mga isyung may kinalaman sa pagkakataon ng pamumuhunan, at konstruksyon ng imprastrukura. Ang konstruksyon ng imprastrukura ay kinabibilangan ng pagkatig sa konstruksyon ng deep-sea port at transportasyong pandagat.
Salin: Vera