|
||||||||
|
||
Dumating kahapon sa Monrovia, kabisera ng Liberia ang tatlong-miyembrong grupong medikal ng Tsina para tulungan ang bansang Aprikano sa pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng epidemya ng Ebola virus.
Nauna rito, ang dalawa pang grupong medikal na Tsino na kapuwa binubuo rin ng tatlong tauhan ay nakarating ng Sierra Leone at Guinea, dalawang bansang Aprikano na apektado ng Ebola, ayon sa pagkakasunod para makapagbigay ng katulad na tulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |