Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon ng UN Security Council, winiwelkam nito ang pag-atas ng Pangulong Iraqi sa bagong Punong Ministro na buuin ang pamahalaan. Nanawagan din ito sa iba't-ibang paksyon ng bansang ito na magtimpi.
Sinabi naman ni Benjamin Rhodes, Assistant to the President for National Security Affairs, na kasalukuyang isinasaalang-alang ni Pangulong Barack Obama ang pagbibigay-tulong sa pagliligtas sa napakaraming sibilyan na kinukubkob ng radikal na sandatahang puwersa ng Iraq sa pamamagitan ng pagtatatag ng makataong tsanel at pag-oorganisa ng airlift, at iba pang porma.
Salin: Li Feng