Ipinahayag kahapon ng Gleneagles Medical Center ng Singapore na kasalukuyan nilang siusuri ang isang babaeng taga-Nigeria, na pinaghihinalaang nahawahan ng Ebola virus. Ito ang kauna-unahang pinaghihinalaang kaso ng Ebola virus sa loob ng Singapore.
Ayon sa ulat ng Straits Times ng Singapore, dumating kamakailan ng Sigapore ang 50 taong gulang na Nigerian. Kahapon bumisita siya sa ospital dahil sa lagnat. Sa kasalukuyan, inihiwalay na ang naturang babae at ipinadala siya sa Communicable Disease Center ng Tan Tock Seng Hospital.
Salin:Sarah