Kapwa binigyan kamakailan ng mataas na pagtasa nina Tagapagsalita Gregory Hartl at Assistant Director-General Keiji Fukuda ng World Health Organization (WHO) ang pagbibigay-tulong ng Tsina sa kanlurang Aprika na apektado ng epidemiya ng Ebola.
Sinabi nina Hartl at Fukuda na ang mga tulong ng Tsina na gaya ng bagay na medikal at eksperto sa pampublikong kalusugan ay mahalaga para sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Ebola sa kanlurang Aprika.
Dagdag pa nila, ang mga karanasang kinuha ng Tsina sa pagharap sa mga biglaang pangyayari ng pampublikong kalusugan na gaya ng SARS at H7N9 bird flu ay puwede ring hiramin ng mga bansang apektado ng epidemiya ng Ebola.