Nagpalabas kahapon ng pahayag ang World Health Organization (WHO) na tumutukoy na hindi totoo ang sinabing may produkto at paraan na puwedeng iwasan o gamutin ang Ebola virus.
Binigyang-diin ng WHO na para iligtas ang buhay ng mga may-sakit ng Ebola, pinahihintulutan nitong gamitin ang gamot na pang-eksperimento. Pero anito, wala pang isasagawang human subject research o opisyal na pag-aaproba sa naturang gamot.
Sinabi rin ng WHO na hindi posibleng magkaroon ng Ebola vaccine na makapasa sa ganap na pagsusuri at pag-aaproba bago ang taong 2015.