Nakipagtagpo kaninang umaga sa Nanjing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Tony Tan Keng Yam ng Singapore na nandoon para lumahok sa seremonya ng pagbubukas ng Nanjing Youth Olympic Games.
Kapwa ipinahayag ng dalawang lider ang kasiyahan sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Singapore. Nakahanda rin anila ang dalawang bansa na ibayo pang palalimin ang kanilang kooperasyon sa iba't ibang aspekto.
Nagpalitan din sila ng palagay hinggil sa kooperasyong Sino-ASEAN. Sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang estratehikong partnership sa ASEAN. Kinakatigan aniya ng Tsina ang pag-unlad ng ASEAN, pagtatatag ng ASEAN Community, at pagpapatingkad ng ASEAN ng namumunong papel sa rehiyonal na kooperasyon. Ipinahayag naman ni Tan na nakahanda ang Singapore na patuloy na palalimin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan ng ASEAN at Tsina, para ibayo pang mapasulong ang kapayapaan, katatatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito.