Ipinalabas ngayong araw ng State Archives Administration ng Tsina sa official website nito ang ikalawang bahagi ng serye ng mga dokumento hinggil sa pananalakay at pagsuko ng Hapon sa Tsina noong 1930s hanggang 1940s.
Ang mga ipinalabas sa bahaging ito ay kinabibilangan ng mga kuhang-larawan, video clips, at babasahin hinggil sa pagdaraos ng mga pandaigdig na pulong na kinabibilangan ng Cairo Conference, Yalta Conference, at Potsdam Conference, at pagsasagawa ng Amerika at Rusya ng mga hakbangin bilang paghimok sa pagsuko ng Hapon.