|
||||||||
|
||
Kinondena kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos ang pagpatay ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) sa isang American journalist na si James Foley sa Iraq. Binigyang-diin niyang patuloy na magsasagawa ang kanyang bansa ng mga aksyon para mapangalagaan ang mga mamamayang Amerikano.
Ipinahayag naman nang araw ring iyon ni Marie Harf, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, na ayon sa estadistika ng panig Amerikano, hanggang sa ngayon, halos 12 libong dayuhang sandatahang tauhan ay nakapasok sa Iraq, Syria, at iba pang lugar, para magsabwatang isagawa ang teroristikong aksyon.
Nang araw ring iyon, mahigpit ding kinondena ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pagpatay ng ISIL kay Foley.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |