Sa okasyon ng kanyang pagdalo sa aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng Associated Chinese Chambers of Commerce and Industry ng Malaysia, ipinahayag kagabi sa Kuala Lumpur ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na dapat ibayo pang palawakin ng Tsina at Malaysia ang pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan.
Aniya, sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Malaysia noong nagdaang Oktubre, nilagdaan ng dalawang bansa ang panlimahang taong plano sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan. Nananalig aniya siyang pagkaraan ng limang taong pagsisikap, tiyak na maisasakatuparan ang target ng paglampas sa 160 bilyong dolayares na kalakalang bilateral.
Salin: Vera