Nilagdaan kahapon sa Ulan Bator nina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Tsakhya Elbegdorg ng Mongolia ang "Magkasanib na Kumunike sa Pagtatatag at Pagpapasulong ng Komprehensibong Estratehikong Partnership ng Tsina at Mongolia."
Anang kumunike, binigyang diin ng dalawang panig ang hindi pagsasagawa ng anumang aktibidad na makakapinsala sa soberanya, seguridad at kabuuan ng teritoryo ng kabilang panig; hindi rin nila pahihintulutan ang sinuman na gagawa ng anumang aktibidad na makakapinsala sa kani-kanilang soberanya, seguridad at kabuuan ng teritoryo.
Anito pa susuportahan ng Mongolia ang pamahalaan ng Tsina bilang tanging lehitimong pamahalaan ng bansa; igigiit nito ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng Taiwan,Tibet at rehiyong awtonomo ng Xinjiang.
Ipinahayag din ng komunike na pahihigpitin ng dalawang panig ang pagtutulungan sa larangan ng teknolohiyang militar, pagsasanay ng tauhan, pagbibigay-dagok sa terorismo, pagpupuslit ng droga at pagbebenta ng populasyon, at iba pa.