Ipinahayag kahapon ni Chavalit Yongchaiyudh. Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Pheu Thai Party(PTP) ang pag-asang tatapusin ni Prayuth Chan-ocha, bagong halal na Punong Ministro ng transisyonal na pamahalaan ng Thailand, ang 3 buwang isinasagawang martial law, para panumbalikin ang kompiyansa ng mga dayuhang turista at mamumuhunan sa bansa. Nang araw ring iyon, nanawagan din si Kokaew Pikulthong, Puno ng National United Front of Democracy Against the Dictatorship(UDD) na alisin ng pamahalaan ang naturang batas.
Kaugnay nito, ipinahayag naman ni Prayuth Chan-ocha na hindi siyang magsasagawa ng anumang aksyon, kung hindi aprobado ng Hari.