Nagpalabas kahapon ng pahayag ang UN Security Council (UNSC) bilang buong tinding pagkondena sa pagpatay ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) sa isang mamamahayag na Amerikano na si James Foley.
Sinabi ng UNSC na batay sa International Humanitarian Law, ang mga mamamahayag at ibang media staff na nagsasagawa ng pagkokober sa mga lugar na nagkakaroon ng armadong sagupaan ay dapat ituring na sibilyan, at dapat sila igalang at pangalagaan.
Hiniling ng UNSC sa ISIL na agarang palayain nang walang pasubali ang mga dinudukot na hostage. Binigyang-diin din nitong dapat wasakin ang naturang ekstrimistang organisasyon.