|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng panig Ruso na ang komboy nito ay may lulang mga tulong na materyal na kailangang kailangan ng mga mamamayan ng Ukraine, na gaya ng pagkain, tubig inumin, gamot, at iba pa. Anito, nakatatawa ang pagpuna ng Ukraine sa Rusya sa pangyayaring ito.
Sinabi naman ng Ukraine na hindi nito pinahihintulutan ang pagpasok ng humanitarian convoy ng Rusya sa bansa, at ang aksyong ito ng Rusya ay lumalapastangan sa soberanya ng Ukraine. Ipinahayag din ng pamahalaan ng Ukraine na hindi nito natitiyak kung anu-ano ang mga bagay sa komboy ng Rusya.
Pumapanig sa Ukraine ang mga bansang kanluranin. Binatikos nila ang Rusya sa nabanggit na isyu, at pinagbantaang ipataw ang bagong sangsyon laban sa Rusya.
Idinaos din kahapon ng UN Security Council ang pangkagipitang pagsasanggunian hinggil sa naturang pangyayari, pero walang natamong komong palagay. Ipinahayag naman ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pagkabahala sa isyung ito. Hinimok niya ang Rusya at Ukraine na patuloy na makipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig, para maihatid ang mga tulong na materyal sa Ukraine.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |