Sinabi kahapon ni Tagapagsalita Fadela Chaib ng World Health Organization (WHO) na ginagawa ngayon ng organisasyong ito ang isang roadmap hinggil sa paglaban sa epidemiya ng Ebola sa darating na 6 hanggang 9 na buwan.
Ayon kay Chaib, ilalakip sa naturang roadmap ang mga detalyadong plano hinggil sa paglaban sa Ebola, batay sa kalagayan ng iba't ibang bansa. Aniya pa, may pag-asang ipapalabas ang roadmap sa susunod na linggo.
Samantala, hinimok din ng WHO ang komunidad ng daigdig na lubos na pahalagahan ang kasalukuyang epidemiya ng Ebola sa kanlurang Aprika. Anito pa, hindi sapat ang mga tauhan, serbisyo, at kagamitang medikal para sa epidemiyang ito.