Ang katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay nakatawag ng pansin sa mga media ng iba't ibang bansa.
Ayon sa Mongolia News Agency, hinahangaan ng Mongolia ang paglalagda sa mga mahalagang kasunduan ng bansang ito at Tsina sa panahon ng pagdalaw na ito. Patitingkarin anito ng mga dokumentong ito ang mahalagang papel para ibayo pang mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Ipinalalagay naman ng mga media ng Rusya, Britanya, Pransya, Amerika, at iba pang bansa, na ang pagsasagawa ng pangulong Tsino ng pagdalaw sa Mongolia at pagtatatag ng dalawang bansa ng komprehensibong partnership ay magbubukas ng bagong pahina para sa kanilang relasyon at kooperasyon.