Sinabi kamakailan ni Moustapha Koutoubou Sano, Ministro ng Kooperasyong Pandaigdig ng Guinea, na kasalukuyang ginagamit ng kanyang bansa ang mga materiyal na medikal na ibinigay ng Tsina para gamutin ang mga kumpirmadong may-sakit ng epidemiyang Ebola. Aniya, ang naturang mga materiyal ay nakakapagbigay din ng mabisang tulong sa mga tauhang medikal ng Guinea para maiwasan ang kanilang pagkahawa ng Ebola Virus.
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, nasa kontrol ang kalagayang epidemiko ng Ebola sa Guinea. Nauna rito, nagkaloob ang pamahalaang Tsino ng mga materiyal na nagkahalaga ng 30 milyong Yuan, RMB sa Guinea, Liberia, at Sierra Leone para sa pakikibaka laban sa nasabing epidemiya, at ipinadala rin aniya ng Tsina ang mga experts group sa naturang tatlong bansa.
Salin: Li Feng