Ayon sa Press TV ng Iran, ipinahayag kahapon ni Pangalawang Ministrong Panlabas Seyyed Abbas Araqchi ng Iran, na bago idaos ang bagong round ng talastasan sa pagitan ng Iran, at anim na bansang may-kinalaman sa isyung nuklear ng Iran (Estados Unidos, Britaniya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya), posibleng idaos muli ng Iran at Estados Unidos ang bilateral na talastasan. Ang nasabing bagong round ng talastasan ng Iran at anim na bansa, ay idaraos sa bisperas ng Pulong ng Pangkalahatang Asemblea ng UN sa susunod na buwan.
Noong nagdaang Nobyembre, narating ng Iran at anim na bansa ang kasunduan sa unang yugto tungkol sa isyung nuklear ng Iran. Tatagal ng anim na buwan ang kasunduang ito. Pagkatapos nito, pinasimulan ng dalawang panig ang talastasan hinggil sa pinal na kasunduan para komprehensibong malutas ang isyung ito.
Salin: Li Feng