Ipinahayag kamakailan ni Adrian Cristobal, Pangalawang Kalihim ng Kalakalan at Industrya ng Pilipinas na bibisita ang delegasyong Pilipino sa Hapon at Canada para tasahin ang posibilidad sa paglahok ng bansa sa Trans-Pacific Strategic Economic Partnership Agreement(TPP).
Aniya pa, nais ng Pilipinas na makipagkonsulta sa mga kasaping bansa ng TPP sa mga larangang panteknolohiya, pagbabawas ng taripa, pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang isip(IPR), at iba pa.
Dagdag pa ni Cristobal, inaasahan ng Pilipinas na matatapos ang nasabing konsultasyon, bago ang katapusan ng kasalukuyang taon.
Ang mga bansang kasapi ng TPP ay kinabibilangan ng Amerika, Canada, Mexico, Chile, Peru, New Zealand, Australia, Japan, Singapore, Malaysia, Vietnam, at Brunei.