|
||||||||
|
||
Kinatagpo kahapon sa Singapore si Yang Jiechi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado ng Tsina, ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng bansang ito.
Ipinahayag ni Yang ang pag-asang palalakasin ng Tsina at Singapore ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalalimin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, pag-iibayuhin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at patataasin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong lebel.
Pagdating sa relasyong Sino-ASEAN, binigyang-diin ni Yang na ang pagpapalakas ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at ASEAN ay matatag at di-magbabagong patakaran ng kanyang bansa. Dagdag niya, sa susunod na taon, ang Singapore ay magiging bansang tagapagkoordina sa relasyong Sino-ASEAN, at nakahanda ang Tsina, kasama ng Singapore, na ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN.
Ipinahayag naman ni Lee ang pag-asang matatamo ng kooperasyon ng Singapore at Tsina ang mas maraming bunga. Nakahanda aniya ang Singapore na patingkarin ang konstruktibong papel para sa pagpapaunlad ng relasyong Sino-ASEAN. Sinabi rin niyang pinahahalagahan ng Singapore ang posisyon ng Tsina sa isyu ng South China Sea, at umaasa itong magkakasamang makakapagsikap ang iba't ibang may kinalamang panig, para mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |