Ipinahayag kagabi ni Prayuth Chan-ocha, bagong Punong Ministro ng Thailand at Commander in Chief ng Royal Thai Army, na sa bubuuing transisyonal na pamahalaan, magkakaroon ng ilang miyembro na galing sa panig militar. Ito aniya ay para ipagpatuloy ang mahigpit na pagkontrol sa kalagayang panseguridad ng Thailand.
Ang naturang pahayag ay kauna-unahang pagsisiwalat ni Prayuth hinggil sa pagbuo ng transisyonal na pamahalaan, pagkaraang manungkulan siya bilang punong ministro. Ayon sa iskedyul, isusumite ni Prayuth sa susunod na buwan ang listahan ng mga miyembro ng transisyonal na pamahalaan sa haring Thai para aprobahan.
Kaugnay ng pagbuo ng transisyonal na pamahalaan, ipinahayag din ni Prayuth na dapat bigyang-pansin kung papaanong pasusulungin ng pamahalaan ang reporma ng bansa, sa halip kung sinu-sino ang magiging miyembro ng pamahalaan.