|
||||||||
|
||
Isang madugong sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador at pulis ang naganap kagabi sa Islamabad, kabisera ng Pakistan.
Ayon sa mga ospital sa lokalidad, mahigit 330 ka tao ang nasugatan sa naturang sagupaan. Wala pang naiulat na nasawi. Ang mga naturang nasugatan ay kinabibilagnan ng 57 babae, 12 bata, 34 na pulis at 4 na mamamahayag.
Ang nabanggit na demonstrasyon ay itinaguyod ng Pakistan Awami Tehree at Pakistan Tehreek-e-Insaa bilang protesta sa fraudulent practices ng Pakistan Muslim League sa pambansang halalan noong nagdaang taon.
Hiniling ng mga demonstrador kay Punong Ministro Nawaz Sharif na magbitiw sa kanyang tungkulin at idaos muli ang pambansang halalan.
Kaugnay nito, ipinahayag ni Sharif na ipagpapatuloy niya ang kanyang termino batay sa konstitusyon. Pero umaasa siyang maisasagawa ang diyalogo sa mga oposisyon para lutasin ang kasalukuyang hidwaan.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |