|
||||||||
|
||
Nagbabala kahapon si Dr Tom Frieden, Direktor of Center for Disease Control and Prevention (CDC) ng Estados Unidos(E.U.) na hindi na makontrol ang epidemiyang Ebola sa Kanlurang Aprika na naglalagay sa panganib sa katatagan ng mga may kinalamang bansa, kaya, dapat pangkagipitang umaksyon ang komunidad ng daigdig para tulungan ang kanlurang Aprika sa pagpigil ng epidemiya.
Matapos dumalaw sa Liberia, SierraLeone at Guinea, sinabi nang araw ring iyon ni Frieden na mabilis na lumalaki ng bilang ang mga nahawahan, at ang epidemiya ng Ebola ay hindi isang problema ng Aprika lamang kundi ng buong daigdig, kailangang pangkagipitang umaksyon ang komunidad ng daigdig, ipagkaloob ang mas maraming yaman, dalubhasa at isagawa ang isang koordinadong kalutasan sa kanlurang Aprika.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |