Sa okasyon ng ika-69 na anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Tsina at Anti-Fascist War ng daigdig, pumunta kaninang umaga ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping, Premyer Li Keqiang, sa Memorial Museum of Chinese People's Anti-Japanese War para magbigay-galang kasama ng mga 1,500 kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng Beijing, sa mga anti-Japanese martyrs.
Noong ika-2 ng Setyembre ng taong 1945, lumagda ang pamahalaang Hapones sa kasunduan ng pagsuko, na nangangahulugan ng pinal na tagumpay ng Anti-Fascist War ng daigdig. Noong nagdaang Pebrero, sa paraang lehislatibo, itinakda ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang ika-3 ng Setyembre bilang araw ng paggunita sa tagumpay ng Anti-Japanese War ng bansa.
Salin: Li Feng