Ayon sa ulat ng pahayagang New Light of Myanmar, noong ika-31 ng nagdaang buwan, ginawa ng Myanmar Investment Commission (MIC) ang malaking pagsasaayos sa limitasyon ng larangan ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal na ipinalabas noong ika-31 ng Enero ng taong 2013.
Pagkatapos ng naturang pagsasaayos, binawasan mula dating 21 at ginawang 11 ang mga ipinagbabawal na aksyong pangkabuhayan ng mga dayuhan. Binawasan naman mula 42 at ibinababa sa 30 ang bilang ng mga aktibidad na pangkabuhayan na dapat isagawa ng mga dayuhan, kasama ng mga mamamayan ng Myanmar. Kinansela din ng MIC ang ilang kahilingan sa pagbibigay ng mga kinauukulang departamento ng pamahalaan ng Myanmar ng rekomendasyon sa pamumuhunan sa mga espesyal na larangan.
Salin: Vera