Binago kaninang umaga ng Liberal Democratic Party ng Hapon ang mga lider nito. Nanungkulan si Sadakazu Tanigaki, Ministro ng Katarungan ng Gabinete ng Hapon, sa halip ni Shigeru Ishiba, bilang Pangkalahatang Kalihim ng Liberal Democratic Party ng bansa.
Pinagtibay kaninang umaga ng nasabing partido ang bagong talagang mga lider na hinirang ni Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon at Tagapangulo ng Liberal Democratic Party. Nakatakdang baguhin ni Abe ang Gabinete ngayong hapon. Tinukoy ng mass media ng Hapon na ito ang kauna-unahang beses na pinalitan ni Abe ang mga lider ng partido at Gabinete ng pamahalaan, at ito ay naglalayong palakasin ang pundasyon sa loob ng partido para maitatag ang pangmatagalang kapangyarihan.
Salin: Andrea