Dahil sa tuluy-tuloy na sagupaan sa Ukraine, nahinto ang imbestigasyon ng Malaysia hinggil sa insidente ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang pag-asang makakabalik ang mga tagapagsiyasat ng bansang ito sa Ukraine, para ipagpatuloy ang imbestigasyon.
Nanawagan si Razak sa mga nagsasagupaang panig ng Ukraine na itigil ang putukan sa loob ng isa hanggang dalawang linggo. Aniya, kailangang bumalik ang mga tagapagsiyasat sa lugar kung saan bumagsak ang MH17, para patuloy na hanapin ang mga ebidensya, at bangkay ng mga pasahero at mga labi ng eroplano na naiwan doon.
Salin: Liu Kai