Sinabi kahapon ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN na itatatag ng UN ang sentro ng pagkontrol sa krisis ng Ebola virus.
Ayon kay Ban, ang misyon ng sentrong ito ay pagkokoordina sa pagsisikap ng iba't ibang panig, para makontrol ang pagkalat ng Ebola virus sa ilang bansang kasalukuyang apektado ng epidemiya, at maiwasan ang pagkalat ng virus na ito sa daigdig.
Samantala, ipinatalastas naman kahapon ng European Commission na magkaloob ng 140 milyong Euro sa Guinea, Sierra Leone, Liberia, at Nigeria, bilang tulong sa mga bansang ito sa paglaban sa kasalukuyang epidemiya ng Ebola.