Pagkatapos ng pulong ng Konseho ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), sinabi kahapon ni Anders Fogh Rasmussen, Pangkalahatang Kalihim ng organisasyong ito, na binuo na ng NATO ang plano ng mga aksyon bilang paghahanda sa digmaan, para mas mabuting harapin ang mga bagong hamon sa seguridad.
Ipinahayag din ni Rasmussen na bilang tugon sa mga hamon, patuloy na isasagawa ng NATO ang patakarang pang-ekspansiyon, at isasakatuparan ang paglaki ng gastusing militar sa loob ng darating na sampung taon.