Sinabi kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Amerika na sa ika-10 ng buwang ito, ipapalabas niya ang isang komprehensibong plano hinggil sa pagbibigay-dagok sa Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL).
Ayon kay Obama, ang naturang plano ay sasaklaw sa ilang aspekto na gaya ng kabuhayan, pulitika, at militar, at ang ultimong target nito ay pagwasak ng ISIL. Pero, inulit niyang hindi magpapadala ang Amerika ng tropang panlupa para makibaka sa ISIL.
Samantala, nagpulong kahapon sa Cairo ang mga ministrong panlabas ng mga kasaping bansa ng Arab League (AL), hinggil sa paglaban sa ISIL.
Ayon sa pahayag na ipinalabas pagkatapos ng pulong, puputulin ng iba't ibang kasaping bansa ng AL ang mga pinanggagalingan ng pondo ng ISIL, hindi sila makikipag-kompromiso sa ISIL sa pulitika, at itatakda nila ang sarili at rehiyonal na estratehiya laban sa terorismo.