Natapos kahapon ang dalawang araw na talastasan ng Hapon at Estados Unidos hinggil sa "Trans-Pacific Partnership Agreement (TPP)." Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Hiroshi Oe, pangalawang punong kinatawan ng Hapon, na "limitado" ang natamong bunga ng dalawang bansa sa naturang talastasan. "Napakalinaw" pa rin sa ngayon aniya ng pagkakaiba ng dalawang bansa.
Ang Hapon at Amerika ay ang dalawang pinakamalaking ekonomiya sa talastasan ng TPP. Nauna rito, ipinahayag minsan ni Amari Akira, kinatawang Hapones sa talastasang pangkalakalan, ang pag-asang magkakaroon ng malawakang kasunduan sa talastasang ministeriyal sa kasalukuyang buwan. Ngunit sa kasalukuyan, hindi pa nagkasundo ang dalawang bansa sa ilang masusing larangan, bagay na nagdudulot ng hadlang sa pagkakaroon ng malawakang komong palagay sa nasabing talastasang kinabibilangan ng 12 ekonomiya.
Salin: Li Feng