Ipinahayag kamakailan ni Stanley Loh Ka Leung, Embahador ng Singapore sa Tsina na mapagkaibigang magkatuwang ang Tsina at Singapore. Sinabi niyang nitong 24 na taong nakalipas sapul nang pagkakatatag ng relasyong diplomatiko, mabunga ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng kabuhayan, edukasyon, kultura at iba pa. Umaasa aniya siyang ibayo pang palalawakin ng dalawang panig ang kooperasyon alinsunod sa kani-kanilang estratehiyang pangkaunlaran at bentahe. Inaasahang maisasakatuparan ng Tsina at ASEAN ang panibagong kooperasyon sa larangan ng connectivity, pinansya, electronics matapos nitong isagawa ang konstruksyon sa Maritime Silk Road sa ika-21 siglo, dagdag pa niya.