Inilahad ngayong araw sa National Legislative Assembly ng Thailand ni Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ang kanyang kauna-unahang working report.
Ayon sa kanyang ulat, buong sikap na pasusulungin ng Pamahalaang Thai ang mga gawain, paungahin na, sa tatlong aspekto na gaya ng mas mainam na pangangasiwa sa pambansang kaayusan, pagsasagawa ng komprehensibong reporma sa lipunan, at pagpapasulong sa pagkakaisa at rekonsilyasyon ng lipunan.
Bukod dito, sinabi ni Prayuth Chan-ocha na buong sikap niyang pasusulungin ang pagsasagawa ng pambansang halalan at pagtatakda ng pangmatalagang konstitusyon bago ang katapusan ng taong 2015.