Nagtalumpati kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa ika-14 na pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos sa Dushanbe, Tajikistan.
Sinabi ni Xi na nagkakaroon ang iba't ibang kasaping bansa ng SCO ng komong kapalaran at interes, at kailangang magkakasamang magsikap ang mga bansa para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan. Ani Xi, dapat buong sikap na pangalagaan ng iba't ibang kasaping bansa ng SCO ang katiwasayan at katatagan ng rehiyong ito, isakatuparan ang komong kaunlaran at kasaganaan, palalimin ang pagpapalagayan ng kani-kanilang mga mamamayan, at palawakin ang panlabas na pagpapalitan at pagtutulungan. Dagdag pa niya, dapat ibayo pang pabutihin ang mekanismo ng SCO, at palakasin ang pagbubukas sa labas ng organisasyon.