Idinaos kahapon sa Dushanbe, Tajikistan ang ika-14 na pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO).
Sa isang araw na pulong na ito, tinalakay ng mga lider ng iba't ibang kasaping bansa ng SCO ang tatlong pangunahing paksa ng pulong na gaya ng pagtatakda ng mga prosidyur hinggil sa pagtanggap sa bagong kasapi, pagpapalakas ng kooperasyong panseguridad, at pagpapasulong sa connectivity ng mga kasaping bansa.
Kabilang dito, pinagtibay sa pulong ang dalawang dokumento hinggil sa mga isyung may kinalaman sa pagtanggap sa bagong kasapi. Ito ay palatandaang sisimulan ang paglawak ng SCO.