Ipinasiya kahapon ng pamahalaan ng Tsina na bilang paglaban sa epidemiya ng Ebola, ipagkakaloob nito sa ilang bansang Aprikano at pandaigdig na organisayon ang bagong round ng makataong tulong na nagkakahalaga ng 200 milyong yuan RMB.
Ayon sa ulat, ang kasalukuyang round ng mga tulong ay kinabibilangan ng pagkakaloob ng mga medisina, kagamitang medikal, at pagkain, pagpapadala ng mga grupong medikal, at pagbibigay ng mga pondo sa ilang bansang grabeng epektado ng epidemiya ng Ebola at sa World Health Organization.